General Santos City – Pilit na pinakumpirma ni Gensan City Councilor Atty. Jose Edmar Yumang kay PDEA 12 director Valente Cariño ang lumabas na mga impormasyon na kasali siya sa listahan ng mga high value target o narco-politician at tatlo pang konsehal ng lungsod kung saan kabilang sina Atty. Franklin Gacal Jr., Atty. Dominador Lagare Jr., At Atty. Ramon Melliza.
Maging ang dalawang barangay kapitan na sina Barangay Batomelong Kapitan Aserin Ngilay at Barangay San Jose Kapitan Abdul Rahim Faidumama ay di umano’y kasali rin sa mga high value target.
Ngunit una ng pinabulaanan ng konsehal sa walang katotothan at walang basehan ang nasabing impormasyon at gawa-gawa lamang bilang panakot at sinasabing black propaganda.
Hindi naman kinumpirma o itinanggi ng PDEA 12 ang nasabing impormasyon dahil isa umano itong confidential information ngunit, siniguro ni Director Valente na lahat ng impormasyon na pinapaabot sa kanila ay kanilang bina-validate upang hindi ma-kwestyon ang kanilang mga operasyon.
Dagdag pa nito na sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga high value target sa rehiyon maging ang mga nasa posisyon na may mga kwestunableng ari-arian ay hindi makakaligtas sa kanilang validation at verification.