Manila, Philippines – Kinukumpirma na nang Department of National Defense ang report na kanilang nakuha na dumarami na ang mga foreign fighters na pumapasok sa Mindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nang makarating sa kanila ang impormasyon agad silang nagsagawa ng confirmation.
Sinabi pa ni Lorenzana na bago naaprobahan ang extension ng martial law sa Mindanao isa ito sa kanilang mga rason ang posibleng pagpasok pa ng mga foreign fighters sa Mindanao.
Kaya mas lalo aniya silang naging mahigpit sa mga taong pumapasok sa Mindanao gamit ang umiiral na Martial Law.
Sa ngayon, sinabi pa ng kalihim na maliban sa pagbabantay sa pagpasok ng mga foreign fighters sa Mindanao tinutukan rin ng militar ang pagtugis sa mga mga natitirang pang miyembro ng Maute at ISIS group sa pamamagitan ng pagsasagawa nila ng military operation.