KINULONG | 2 Chinese nationals, arestado dahil sa pagkulong sa mag-asawang Chinese sa scape building sa Pasay City

Manila, Philippines – Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Chenwin Bin at Su Jianshui Alyas Ah Sin.

Ang mga suspek ay naaresto dahil sa pagposas at pagkulong sa mag-asawang Ai Xiao Feng at Xiao Qzao Ling.

Unang nag-recruit ang mga suspek ng mga bodyguards na magbabantay daw sa mga dayuhan na may malaking pagkakautang sa kanilang amo.


Nagpaturo pa ang mga suspek sa mga bodyguard kung paano gumamit ng posas na siyang ginawa ng mga ito sa biktimang mag-asawang Chinese.

Facebook Comments