KINULONG | Anak na kinulong ng kanyang magulang ng 15 taon, natagpuang patay

Japan – Arestado ang isang mag-asawa matapos matagpuang patay ang kanilang anak na babae na ikinulong nito ng halos 15 taon.
Sa ulat, patay na nang makita ang 33-anyos na biktima sa loob ng isang maliit na kulungan na walang bintana.
Lumalabas na namatay ang biktima dahil sa sobrang lamig.
Pinapakain lamang ang biktima ng isang beses sa isang araw at pinupwersa siyang painumin ng tubig sa pamamagitan ng tubo.
Katwiran ng mga suspek, wala na sa katinuan ang kanilang anak at nagiging bayolente.

Facebook Comments