KINULONG NA | Faeldon, dinala na sa Pasay City Jail

Manila, Philippines – Inilipat na sa Pasay City Jail si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Mula sa Senado, sinamahan si Faeldon ng Senate Sergeant of Arms patungong Pasay City Jail, hawak ang commitment order.

Una nang kinumpirma sa interview ng RMN ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Richard Gordon na sa Pasay City Jail ikukulong si Faeldon matapos mapagkasunduan ng mga senador sa ginawang caucus.


Ayon kay Gordon, hindi na umano issue kung marumi at unsanitary ang Pasay City Jail dahil kung nadudumihan aniya si Faeldon sa Pasay jail maari niya naman itong ipalinis.

Matatandaan na nagkaroon ng mainitang pagtatalo kahapon sa pagitan nina Gordon at Faeldon kaya’t napagkasunduan ng mga senador na ilipat nalamang ang dating BOC Chief sa ibang bilangguan.

Facebook Comments