KINUMPARA | Pauleen Luna, thankful kay Lolit Solis sa pagtatanggol sa baby nila ni Vic Sotto laban sa mga bashers

Manila, Philipines – Ikinatuwa ngayon ng aktres na si Pauleen Luna-Sotto ang ginawang pagtatanggol ng talent manager na si Lolit Solis laban sa isang netizen na nagkumpara kay Talitha sa child TV host na si Ryzza Mae Dizon.

Say ni Lolit, hindi na tama ang ginagawang pagkukumpara ng mga basher sa anak nina Vic at Pauleen na kung saan itinuturing niyang foul na masyado ang mga komento nito.

Nabatid kasi na nag-ugat ang isyu ng mag-post si Oyoboy Sotto ng picture ng anak nila ni Kristine Hermosa na si Vin at marami ang nagsabi na cute ang baby kumpara sa kay Talitha na hawig ni Ryzza Mae.


Thankful naman si Pauleen sa pagiging concern ng kaniyang talent manager maging kay Oyo Boy na unang ipinagtanggol ang kaniyang kapatid na si Talitha.

Facebook Comments