KINUMPARA | Problema sa korapsyon sa bansa – inihalintulad ng Pangulo sa chewing gum

Manila, Philippines – Itinulad ni Pangulong Rodrigo Duterte na “Chewing Gum” ang problema sa graft and corruption sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte – sa kabila kasi ng kanyang mga babala at pagsibak sa ilang tiwaling opisyal, marami pa rin sa taong gobyerno ang napapasok sa katiwalian.

Mistula na lamang aniya itong ordinardyong chewing gum na kinakain sa araw-araw at kapag nawalan ng lasa ay saka na lamang idinudura.


Hindi rin nakalusot sa Pangulo ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na tamad magtrabaho.

Bunsod nito, isang hamon kay Duterte ang tuluyang pagwalis sa korapsyon at katamaran sa gobyerno.

Facebook Comments