KINUMPIRMA | Agot Isidro – mas enjoy gumawa ng pelikula kaysa tumakbong Senador

Manila, Philippines – Kinumpirma ng singer-actress na si Agot Isidro na may kumakausap sa kanya tungkol sa posibleng pagtakbo niya sa 2019 mid-term elections bilang Senador.

Pero say ni Agot, bigyan pa siya ng time para mag-isip dahil sa ngayon, happy pa naman siya sa kanyang propesyon bilang artista.

Nag-e-enjoy pa rin daw kasi siya sa paggawa ng pelikula lalo ngayon na nagbago na ang landscape ng film-making.


Kagabi nang itinanghal bilang best actress sa 66th FAMAS Awards si agot para sa pagganap niya sa pelikulang “Changing Partners”.

Si Agot ay isa mga kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments