KINUMPIRMA | BuCor Chief Faeldon, may appointment paper na – Justice Sec. Guevarra

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nilagdaan na ng Pangulong Duterte ang appointment papers ni Bureau of Correction Chief Nicanor Faeldon.

Ayon kay Guevarra,nakatakda nang i-release ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang nasabing dokumento.

Una nang idinahilan ni Faeldon na wala pang ibinababa ang Malakanyang na appointment papers kaya hindi pa siya pormal na umuupo sa BuCor.


Samantala, ngayong araw ay ipinagdiriwang ang ika-113th anniversary ng BuCor.

Facebook Comments