KINUMPIRMA | Isa sa mga anak ni Janet Napoles na kabilang sa kinasuhan sa US, nakalabas na ng Pilipinas

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice sec. Menardo Guevarra na isa sa lamang sa tatlong anak ni alleged ‘pork barrel’ scam mastermind Janet Lim Napoles ang nakalabas na ng bansa.

Ayon kay Guevarra, base sa recors ng Bureau of Immigration, si Jeane Catherine Napoles ay lumabas ng bansa noong July 27.

Wala namang binigay na detalye si Guevarra kung saang bansa nagtungo si Jeane Catherine na kabilang sa mga kinasuhan sa US court ng fraud at money laundering.


Ayon kay Guevarra, ipinauubaya na nila sa US government ang pagtunton kay Jeane Catherine.

Samantala, kinumpirma ni Guevarra na nananatili pa rin sa Pilipinas ang dalawa pang anak ni Janet Lim Napoles na sina Jo Christine at James Christopher; gayundin ang kapatid nitong si Reynald Luy Lim at asawa nitong si Ana Marie Lim.

Facebook Comments