KINUMPIRMA | Mental Health Bill, isinabatas na ng Pangulo, Malacañang, hindi pa naglalabas ng opisyal na kopya nito

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mental Health Law kahapon o ang Republic Act number 11036 na iniakda ni Senador Riza Hontiveros.

Pero hanggang sa ngayon ay wala paring inilalabas ang Malacañang na opisyal na kopya ng nasabing batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, agad nilang ilalabas ang nasabing batas sa oras na matanggap nila mula sa records ng Malacañang ang kopya nito.


Pero batay naman sa panukala ni Senador Hontiveros ay kasama sa probisyon ng panukala ay isasama na sa Philhealth Coverage ang pagpapa ospital, check-up at gamot ng mga mayroong mental health problem.

Facebook Comments