KINUMPIRMA | Motorcycle gangs mula Australia, nakakalat na sa ilang lugar sa Pilipinas

74

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP highway Patrol Group Chief, Police Chief Supt Arnel Escobal na namonitor na sa ilang lugar sa bansa ang motorcycle gangs na galing australia partikular ang Hell Angels at Bandidos.

Ayon kay Escobal, mula sa Cebu kung saan nila unang namonitor ang grupo, ay nakarating na ang mga ito sa Clark Pampanga at sa Nationa Capital Region.

Pero batay aniya sa PNP Directorate for Intelligence, wala pa rin silang namomonitor na aktibidad ang motorcyle gangs.

Kwento ni Escobal na batay sa kanilang naging conference sa Jakarta Indonesia pinalalabas ng mga motorcyle gangs na sila ay mga caused oriented groups sila at nagbibigay ng donasyon o may mga aktibidad sa komunidad.

Pero ang totoo aniya sangkot sa gun running, extortion at drug trafficking ang grupo.

Puspusan naman sa ngayon ang pakikipag-ugnayan ng PNP HPG sa mga motorcycle clubs upang matiyak na hindi makakahalo rito ang mga motorcycle gangs.

Facebook Comments