Kinumpirma ng Comelec na mas madami ang counting machines at SD cards ang nasira ngayong halalan kumpara noong 2013

Ayon kay Comm Marlon Casquejo marahil ito ay dahil Tatlong taon na VCMS kaya nagkaroon mechanical defects habang nasa tech hub.

 

Sa kabila nito tiniyak ni Casquejo na pananagutin nila ang nasa likod ng aberya sa SD cards partikular ang provider nito.

 

Sa naging aberya naman sa Transparency server, sinabi ni Casquejo na sabay sabay na pumasok ang election returns kahapon kaya bumagal ang server.


 

Aniya  simula 6pm kung saan natapos ang botohan ay dumagsa na ang transmittal ng election returns kaya nag-hang ang transparency server.

 

Sa kabila nito, tiniyak ni Comm Casquejo na hindi ito naka apekto sa resulta ng halalan.

 

Aminado naman si Comelec Chairman Sheriff Abbas na Kaya nagkaproblema sa marking pen, papel, SD cards at mga makina ay dahil magkakaiba ang mga supplier nito kaya hindi nag-match.

 

Bunga rin aniya ito ng kanilang pagsunod sa Procurement Law. Gayunman, ang mga supplier aniya ay lahat naman pasado sa kanilang bidding pero pinapareview pa rin niya ang kontrata ng mga supplier.

 

Tiniyak naman ni Abbas na magiging maingat na sila sa susunod na halalan sa 2022 at kanila itong paghahandaan ng husto.

 

Sa kabila nito, itinuturing pa rin  ni Chairman Abbas na matagumpay ang halalan kahapon at walang nangyaring failure of election.

 

Sa kanyang tweet tinukoy naman ni Comelec Commissioner Rowena.

 

Guanzon ang S1 Technologies na nakabase sa Quezon City na siyang supplier ng mga nagka-aberyang SD cards.

Facebook Comments