13 rehiyon sa bansa, nakapagtala na ng Delta variant

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 13 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nakapagtala na ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 355 mula sa 450 na kabuuang kaso ng Delta variant ay mga local cases, 69 ay Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang ang 26 ay bineberipika pa.

Nasa 10 ang mga nasawi habang 426 ang nakarekober na.


Sa kasalukuyan, 13 aktibong kaso ng Delta sa bansa habang isa ang bineberipika pa.

Kabilang sa mga rehiyon na mayroon ng Delta variant ay ang mga sumusunod:

National Capital Region (NCR) – 146 cases
Cordillera Administrative Region (CAR) – 1 case
Region 1 o Ilocos Region – 5 cases
Region 2 o Cagayan Valley – 1 case
Region 3 o Central Luzon – 39 cases
Region 4-A o Calabarzon – 47 cases
Region 5 o Bicol Region – 1 case
Region 6 o Western Visayas – 36 cases
Region 7 o Central Visayas – 37 cases
Region 8 o Eastern Visayas – 11 cases
Region 9 o Zamboanga Peninsula – 3 cases
Region 10 o Northern Mindanao – 22 cases
Region 11 o Davao Region – 6 cases

Base naman sa vaccination status, sinabi ni Vergeire na 83 ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19; 35 ang nakatanggap ng dalawang dose; 17 ang nakatanggap na ng first dose ang 315 ay beniberipika pa.

Facebook Comments