Kinumpirma ng DOH na ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay nagmumula na lamang sa 2 lugar  sa bansa

Ito ay ang Metro Manila at ang Barangay Calunasan sa Cebu City.

Inanunsyo naman ng DOH na ang ospital ng Maynila ay COVID-free na.

Kinumpirma rin ni Health Undersecetary Maria Rosario Vergeire na umaabot na sa 1,694 ang bilang ng healthcare workers na nag-positibo sa COVID-19.


256 sa naturang bilang ang gumaling sa covid habang 33 ang binawian ng buhay.

Aminado rin si Undersecretary Vergeire na malayo pa ang laban para masabing humupa na ang virus lalo nat wala pang natutuklasan na gamot para dito.

Ayon pa kay Vergeire, patuloy din na pinag-aaralan ng mga Pilipinong health experts ang ulat na ang ring rashes, stroke at blood clotting ay kabilang sa mga sintomas ng COVID-19.

Ibinalita rin ng doh na maaari na ring makapagsagawa ng COVID testing ang marikina molecular laboratory.

Samantala, ngayong Labor Day ay kinilala rin ng DOH ang kabayanihan ng mga frontliners mula sa larangan ng kalusugan, habang pinasalamatan din ng DOH ang non-medical frontliners.

Facebook Comments