Sa ngayon ay umaabot na sa kabuuang 1,772 healthcare workers ang nagpositibo sa COVID.
Kinumpirma rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nangangailangan ng 300 nurses ang Lung Center of the Philippine sa pag-expand nito ng kapasidad para sa COVID cases.
Nakatakda rin aniyang magkaroon ng apat na mega swabbing facility sa Metro Manila at Bulacan bilang bahagi ng pagpapalakas ng testing capacity.
Ang 4 na mega swabbing facilities ay kayang makapagsagawa ng hanggang 5,000 tests kada araw.
Target din aniya ng DOH na makapagsagawa ng hanggang 30-thousand COVID-19 tests kada araw pagsapit ng May 31.
Idinagdag din ng DOH na base sa pag-aaral ng Philippine Genome Center, maaaring nagmula ang strain ng virus na sa Pilipinas, sa Japan at Australia gayundin sa Shanghai, China.