Kinumpirma ng DOH na mula 17% ay bumaba na sa 10% ang positivity rate ng COVID-19 o ang naitatalang positibong kaso mg virus sa bansa

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, asahan pa ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.

Kinumpirma rin ni Undersecretary Vergeire na wala nang naitalang healthcare worker na nasawi sa COVID.

Gayunman, hindi pa aniya tapos ang giyera kontra COVID o ang World War C kaya dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols.


Pinayuhan din ng DOH ang publiko na patuloy na ingatan ang mga nakatatanda at may sakit dahil sila ang madaling mahawaan mg virus.

Asahan din aniya ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw dahil sa pinaigting na testing capacity.

Umapela rin si Dr. Vergeire sa kapwa nila COVID warriors na maging handa sa mas matinding banta ng virus sa sandaling alisin na ang lockdown sa malaking bahagi ng Luzon.

Facebook Comments