67 sa patient under investigation o PUIs ay naka-isolate sa mga pagamutan habang ang sampu ay napauwi na.
Nananatili naman sa dalawa ang kumpirmadong kaso ng nCoV, ang isa ay ang 44 years old na Chinese national na nasawi at isang kaso ay ang 38 years old na babaeng partner ng namatay na Chinese mula sa Wuhan, China.
Tiniyak din ni Duque na maingat ang kanilang pag-handle sa labi ng nasawing Chinese nationals.
74 na ang nakuha sa isinagawang contact tracing at mino-monitor sila habang naka-home quarantine.
Nangangahulugan ito na bawal silang makihalubilo sa kanilang mga kasama sa bahay sa loob ng labing-apat na araw.
Sinabi pa ni Duque na ang pagtaas ng PUIs ay nangangahulugan na napaunlad nila ang kanilang surveillance.
Pinalawak din ng Department of Health (DOH) ang PUI category sa buong China at hindi lang sa Wuhan or Hubei.