KINUMPIRMA | PNP Chief Ronald Dela Rosa, kinumpirmang may vigilante group na pumapatay ng mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na mayroong vigilante group sa lungsod ng Caloocan na pumapatay ng mga umano ay sangkot sa ilegal na droga.

Bagamat hindi tinukoy ni Bato ang pagkakakilanlan ng grupo, tumatayo rin ito bilang ‘gun-for-hire’.

Ayon kay Dela Rosa, ang mga ginagawang pagpatay ng vigilante group ay naipapasa ang sisi sa mga pulis.


Ito rin aniya ang dahilan kung bakit ilang hepe na ng Caloocan police ang tinanggal.

Inatasan na ni Dela Rosa ang bagong hepe na si Senior Superintendent Restituto Arcangel na kilalanin ang mga miyembro ng grupo.

Pinadadagdagan din ni Dela Rosa ang presensya ng pulisya sa lungsod.

Nabatid na sinibak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde si Senior Superintendent Jemar Modequillo dahil sa mga hindi nareresolbang kaso ng murder at homicide sa lungsod.

Facebook Comments