Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang suspek sa pagpapasabog ng Improvised Explosive Device na nasa loob ng Van sa Lamitan City Basilan Kagabi.
Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo kaya malabo pa aniyang masabi sa ngayon na suicide bomber ang suspek.
Paliwanag ni Arevalo posibleng nagpanic ang suspek o drayber dahil sa naharang ito si checkpoint operation kaya aksidenteng napindot nya ang trigering device at sumabog.
Inihayag pa ni Arevalo na bago mangyari ang pagsabog ay may mga intel report na silang natatangap na magpapakalat ng IED ang ASG kaya mas naging alerto aniya ang kanilang hanay.
Ang suspek aniya na nasawi rin sa pagsabog ay tauhah ni ASG Lider Furuji Indama na nagooperate sa Basilan.
Matagal na aniyang nagsasawa ng terrorist activites sa Basilan ang grupo nina Indama na kilalang namumugot ng ulo ng kanilang mga bihag.
Maari aniyang nais lang ng grupo nina Indama na magparamdam at masabing malakas pa ang kanilang pwersa kaya gumagawa ng ganitong mga karahasan.
Kaya naman paalala ng AFP sa publiko na maging mapagmatyag.