KINUMPIRMA | Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kinumpirmang hindi pa naisasauli ng Bitag Media ang 60 million pesos ad placement

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi pa naibabalik ng Bitag Media Unlimited Incorporated ang ₱60 milyong ibinayad ng Department Of Tourism (DOT) para sa placement ad nito sa People’s Television Network (PTV).

Ayon kay Puyat, aalamin niya ang dahilan kung bakit hindi pa naibabalik ang ₱60 milyong gayung sila mismo ang nagsabi na handa silang ibalik ito.

Giit pa ni Puyat, ayaw niyang magpabida sa mga isyung kinasasangkutan ng DOT kaya at makabubuti na gawin ng mga sangkot ang kanilang dapat gawin.


Una nang nangako ang abogado ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na si Attorney Ferdinand Topacio na ibabalik ng magkakapatid na Tulfo ang ₱60 milyon bayad ng DOT para sa ipinasok na commercial sa programang Kilos Pronto.

Facebook Comments