KINUNSULTA | 2 Senior Justices, kabilang sa nagkumbinsi kay CJ Sereno na maghain ng indefinite leave

Manila, Philippines – Dalawang Senior Justices ng Korte Suprema ang kinausap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno bago ito tuluyang nagdesisyon na maghain ng indefinite leave.

Ito ay sina Justices Antonio Carpio at Presbitero Velasco Jr.

Ayon sa source mula sa Supreme Court, sa harap ng komprontasyon ng mga mahistrado sa En Banc Session, kinausap ni Sereno sina Carpio at Velasco at saka ito nagdesisyon na maghain ng indefinite leave mula sa Marso a-uno.


Nabatid na ilan pa sa mga mahistrado ang humirit kay Sereno na magbitiw na sa puwesto dahil sa kawalan ng tiwala.

Si Sereno ay una nang pinuwersa ng mayorya ng Supreme Court Justices para maghain ng Indefinite Leave, sa harap ng Impeachment Proceedings laban sa kanya sa Kamara.

Facebook Comments