KINUWESTION | Pangulong Duterte, nakitaan ng pagkakamali ang ‘Creation Story’ ng bibliya

Manila, Philippines – Nakitaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapintasan ang ‘Creation Story’ ng bibliya.

Kinuwestyon din ng Pangulo ang diyos dahil lumikha ito ng mga bagay na perpekto subalit pinahintulutan nito ang pagpasok ng kasalanan sa pamamagitan ng pagkain ng ipinagbabawal na prutas ng mga unang tao na sina Adan at Eba.

Hindi rin tanggap ng Pangulo ang konsepto ng pagkakaroon ng original sin.


Pero naniniwala ang Pangulo na mayroong ‘Universal Mind’.

Una rito, sinabi na ng Pangulo na nirerespeto niya ang simbahang Katolika.

Facebook Comments