KINUWESTIYON | Inilabas na compliant hotels ng inter-agency task force, kinuwestiyon ng ilang business owner sa Boracay

Aklan – Kinuwestyon ng ilang business owner sa Boracay ang inter-agency task force ang naging basehan nito sa inilabas na listahan ng mga hotel at resort na papayagang makag-operate sa muling pagbubukas ng isla sa Oktubre 26.

Ayon sa isang bussiness owner, nagulat siya dahil ang ilan sa mga ito ay kasama niyang nagproseso ng iba pang mga requirement para mabigyan ng accreditation ng Department of Tourism (DOT).

Karamihan umano rito ay nagkaroon lamang ng certificate of compliance galing sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Anila, “unfair” ito para sa iba na nagkukumahog na makaabot sa Boracay re-opening.

“Pressure” rin daw sa kanila ang inilabas na listahan ng ahensya habang inirereklamo rin nila ang pabago-bagong guidelines lalo na sa pag-install ng Sewage Treatment Plant (STP).

Sa pinakahuling listahan na inilabas ng task force, umabot na sa 115 establisyimento ang nakapag-secure ng kanilang necessary clearances, permits at iba pang requirements na papayagang makapag-operate ulit sa Boracay.

Facebook Comments