KINUWESTIYON | Taipan ‘sponsor’ ng SWS survey sa NAIA, kaduda-duda

Manila, Philippines – Kaduda-duda umano ang resulta ng Survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 62 porsiyento ng natanong umano ang nais manatili ang NAIA kumpara sa itinutulak na modernong Airport sa Cavite, Bulacan at Pampanga.

Kuwestiyonable ang Survey dahil hindi pinangalanan kung sino ang nag-Commission nito at halatang may pinaboran na grupo ng mga malalaking negosyante.

Ayon sa source mula sa kalabang Developer, isang kilalang Taipan mula sa Consortium ang nagbayad ng Survey kung kaya nagmukhang ‘Self-Serving’ ang resulta ng Survey.


Pitong malalaking Korporasyon ang nagpupumilit na I-Rehabilitate ang antigong NAIA sa halip na ipatupad ang proyektong aprubado ng NEDA.

May lumutang na balita na ang mga naturang Kompanya din ang nag-Commission ng SWS survey.
Una nang inaprubahan ng NEDA ang proyekto ng San Miguel Corporation sa pagtatayo ng panibagong paliparan sa Bulacan na naglalayong maibsan ang problema ng Congestion sa NAIA.

Facebook Comments