KINUWESTYON | Kampo ng 4 na dating mambabatas na inisyuhan ng warrant of arrest, pinababasura ang kanilang kaso

Manila, Philippines – Kinuwestyon naman ng kampo ng apat na dating mambabatas na sina NAPC Chairperson Liza Maza, dating DAR Secretary Rafael Mariano, dating Representative Teodoro Casiño at Satur Ocampo ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.

Kasabay nito ay hiniling ng apat sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Rachel Pastores na ibasura ang kaso at i-quash ang warrant of arrest.

Nilinaw din ni Pastores na hindi nagtatago ang kanyang mga kliyente.


Sabi rin ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares, kwestyonable na ang pagbuhay sa kaso dahil dati nang nag-desisyon ang RTC na walang probable cause na magpapatunay na may kinalaman ang mga dating kongresista sa krimen.

Facebook Comments