KINUWESTYON | Overtime pay sa mga security detail at staff ni on leave CJ Sereno, tatalakayin ng Supreme Court en banc ngayong araw

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno ang Korte Suprema matapos mag-claim ng overtime pay para sa kanyang security detail at staff sa kabila ng kanyang indefinite leave of absence.

Sa pamamagitan ni kanyang Judicial Staff Head Czarina Samonte-Villanueva – nais ni Sereno na saluhin ng gobyerno ang lahat ng gastusin ng kanyang entourage mula March 1 hanggang 31 kung saan nagsimula ang kanyang leave.

Ang certifications ng overtime work ay ginawa ni Samonte-Villanueva, security chief ni Sereno na si Ret. Brigadier General Jose Johriel Cenabre.


Humihiling sila ng allowances at overtime pay para sa 11 court staff, 13 drivers at close-in security aides.

Ang tanggapan din ni Sereno ay nais din magkaroon ng meal at allowances para sa siyam na close-in security aides.

Sa apat na pahinang memorandum para kay Acting Chief Justice Antonio Capio, sina Deputy Clerk of Court Corazon Ferrer-Flores, ang fiscal management at budget office head ay humiling sa court en banc na pagdesisyunan ang request ni Sereno.

Nakatakdang talakayin ang usapin sa regular session ng en banc ngayong araw sa Baguio City.

Facebook Comments