Manila, Philippines – Kinukwestyon ng mga Manilenyo kung bakit Department of Public Service trak na pagmamay-aari ng Manila Govt. ang humahakot ng basura gayung ang IPM Company kontraktor ang may kontrata na dapat siyang hahakot ng mga basura sa Maynila.
Napag-alaman na halos 600 milyong piso isang taon ang kontratang nakalaan sa Manila City Goverment sa isang pribadong kumpanya para hakutin ilabas sa Maynila ang lahat ng mga basura sa Lungsod.
Ipinagtataka ng mga Manilenyo kung bakit ang DPS ang naghahakot ng mga sangkaterbang basura sa Maynila.
Paliwanag ng PIO Manila City Government, nagkaka problema lang anila sa koleksyon ng basura pero matapos ang ilang araw ay DPS pa rin ang kumukolekta ng mga tambak tambak na basura sa Manila gayong ang nakakontrata ay IPM Company.