KINUWESTYON | Pagkuha ng permit ng mga kandidato bago magsagawa ng motorcade, binatikos

Kinuwestyon ng transport group ang sinabi ni MMDA Task Force Special Operations Commander Bong Nebrija na dapat may permit ang mga kandidato bago magsagawa ng motorcade lalo na sa major road sa Metro Manila.

Ayon kay Jun Magno ng Stop and Go Coalition, posibleng kasing mas yumabang at lalong hindi mapaalis ang mga nakahambalang sa kalsada dahil may pinanghahawakan silang permit.

Kung sa LGU aniya kukuha ng permit, posible aniyang magkaroon ng bias lalo na at kung opposition ang nag-a-apply nito.


Sinabi pa ni Jun Magno, maganda ang inisiyatibo ng MMDA para mas mapagaan ang trapiko sa panahon ng eleksyon pero sana may mga malinaw na panuntunan ditto.

Aniya mas mainam na may sariling marshal ang mga kandidato sa motorcade at dapat isang linya lang ang kanilang sakop.

Sa huli matatandaan aniya ng mga botante ang mga mukha ng mga politiko na nakakaabala sa kalsada at ito ay tiyak na may negatibong epektibo sa kanilang pagtakbo.

Facebook Comments