KINUWESTYON | Trump, pinaiimbestigahan ang New York Times

Pinaiimbestigahan ni US President Donald Trump ang New York Times makaraan itong mag-publish ng isang column, kung saan kinukwesyon ang kakayahan ni Trump bilang presidente ng bansa.

Bukod dito, laman rin ng column ang patutsada sa paraan ng pamumuno ni Trump sa US.

Marami umano ang US officials na bahagi ng ‘quiet resistance’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump, na nagta-trabaho upang hindi maisakatuparan ang mga agendang isinusulong ni Trump.


Inilathala ang column na ito noong Miyerkules, sa ilalim ng hindi pinangalanang author, na ayon sa New York Times ay upang maprotektahan ang writer.

Ayon kay Trump, kinukunsidera nito ang paggawa ng legal na aksyon labas sa New York Times. Kailangan aniyang matukoy kung sino ang nagsulat ng artikulong iyon dahil naniniwala si Trump na may kinalaman ito sa usapin ng national security.

Facebook Comments