KINUYOG | Dating Health Secretary Garin, sinugod ng mga nanay pagkatapos ng Dengvaxia hearing

Manila, Philippines – Kinuyog ng mga nanay ng mga estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia si dating Health Secretary Janet Garin.

Pagkatapos ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinundan ng mga nanay si Garin hanggang sa elevator.

Nasa sampung mga nanay ang sumugod at na nakasuot ng t-shirt na `Justice for Dengvaxia` victims.


Wala naman sa mga naturang nanay ang may nasawing anak pero may isang ina na nag-aalala na nakatatlong bakuna ng Dengvaxia ang kanyang anak at panay ang pagkakasakit.

Iginiit ng mga nanay na kung may bakuna pangontra sa negatibong epekto ng Dengvaxia ay ibigay na sa kanilang mga anak at huwag nang hintayin na dumami pa lalo ang mga magkakasakit.

Ito anila ang mas dapat na pagtuunan ng pansin sa halip na ang mga imbestigasyon ng Kamara at Senado na panay takipan lamang ang ginagawa.

Facebook Comments