Kissing auction ng mga Parayno sa Urdaneta campaign, kinondena ng Gabriela

Mariing kinondena ng grupong Gabriela Women’s Party (Gabriela) ang “kissing auction” nina Urdaneta City Pangasinan Mayor Rammy Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno sa isang matandang babae.

Sa video, sinabing bibigyan ng ilang libong pisong premyo ang matandang babae kapalit ng paghahalik kay Vice Mayor Parayno.

Sinimulan ang bidding war sa premyong ₱1,000 hanggang sa umabot ng ₱5,000 ang premyo.

Ayon sa organizer ng rally, isa umanong charity ang palaro.

Ayon kay Gabriela Secretary-General Clarice Palce,nakababahala ang insidente dahil maihahalintulad ito sa single mom joke ng isang kandidato sa pagka-kongresista sa Pasig City na maaaring sumiping sa kanya ang mga single na ina na nire-regla pa.

Hinikayat ng Gabriela ang Commission on Elections (Comelec) na aksyunan ang kaso ng mga Parayno.

Facebook Comments