Nominado sa 54th Worldfest-Houston International Film Festival ang mga aktor na sina Kit Thompson at Mylene Dizon na bida sa pelikulang “Belle Douleur” o Beautiful Pain.
Kapwa nominado para sa best actor at best actress sina Kit at Mylene sa Panorama Asia Category.
Makakalaban ni Kit ang pambato ng Japan para pelikulang “Sin-Gone Irony” habang makakaharap naman ni Mylene ang bida sa “Invisible Love” ng Vietnam at “Beautiful Lure” ng Japan.
Ang 54th edition ng Worldfest-Houston International Film Festival ay nagsimula kahapon April 22 hanggang April 25 sa Houston, Texas.
Ang “Belle Douleur” ay pelikulang patungkol sa isang babaeng nakaroon ng love affair sa mas bata sa kanya at ipinalabas sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong 2019.