Kit Thompson, itinanghal na Best Actor sa 54th WorldFest Houston International Film Festival

Nakuha ng aktor na si Kit Thompson ang Best Actor Award sa Asia category ng 54th WorldFest Houston International Film Festival, para sa pagganap nito sa iWant Original film na Belle Douleur.

Nakalaban ni Kit ang dalawa pang aktor na sina Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya ng Japan na pawang hinangaan sa galing sa pag-acting sa pelikulang na Sin-Gone Irony.

Hindi naman pinalad ang co-star ni Kit sa Belle Douleur na si Mylene Dizon na makuha ang Best Actress Award matapos matalo ni Nao Hasegawa ng Japan para sa pelikulang Beautiful Lure.


Ang Belle Douleur ay tungkol sa isang 45-anyos na babaeng clinical psychologist na nag-iisa na lamang sa buhay matapos pumanaw ang kaniyang mga magulang.

Nakatagpo nito si Kit na sa huli ay nagkaroon ng whirlind romance sa isa’t isa.

Facebook Comments