CAUAYAN CITY- Matinding pagkalugi ang idinulot ng naranasang tagtuyot at paghagupit ng bagyo sa mga magsasaka sa Brgy. Manaoag, Cauayan City, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Sonny Nonan, tinatayang nasa 40-50% kada hektarya ang nalugi sa corn at rice farmers sa kanilang barangay.
Aniya, lubhang naapektuhan ang mga tanim sa naranasang dalawang buwan na walang tubig-ulan at paghagupit ng mga bagyo lalo na at sensitibo ang tanim na mais at palay.
Gayunpaman, tuluy-tuloy naman ang ibinibigay na tulong ng ahensya ng Agrikultura sa mga farmers katulad ng pagbibigay abono at binhi.
Samantala, bumabawi na lamang sa ngayon ang mga magsasaka sa pagtatanim ng kamoteng kahoy.
Facebook Comments