Kita ng gobyerno sa unang 6 na buwan, tumaas

Tumaas ng 9.7 percent ang kita ng gobyerno sa unang anim na buwan ng 2019.

Ayon sa Department of Finance (DOF), bunsod ito ng mas mataas na koleksyon ng gobyerno dahil sa tax reform program.

Sa tala ng DOF, umabot sa P1.5 trillion revenues ang nakolekta noong Enero hanggang Hunyo ngayong taon na mas mataas kumpara sa P1.4-trillion noong 2018.


Facebook Comments