CAUAYAN CITY – Bagama’t undas ay matumal pa rin ang kita ng mga tindera sa Cauayan City Public Market.
Sa pakikipanayan ng IFM News Team sa ilang mga tindera, kahit na undas at marami ang nagpupunta sa palengke ay hindi ganoon kalakas ang kanilang kita.
Ayon pa sa kanila, maaaring ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa palengke lalo na sa gulay dahil sa sunud-sunod na bagyong naranasan.
Dagdag pa nila, na hindi naman ito ang unang beses na mangyari ang ganitong sitwasyon dahil kahit noong nakaraang taon ay matumal din ang kanilang bentahan.
Samantala, binabawi na lang nila umano ang kanilang kita sa buwan ng Disyembre.
Facebook Comments