KITA NG ILANG TSUPER SA CAUAYAN, NANATILING SAPAT

CAUAYAN CITY- Sa kabila ng mga nagtataasang bilihin at presyo ng gasolina ay nananatili pa ring sapat ang kita ng mga tsuper ng traysikel sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Rey Beley, hindi na bago para sa kanila ang palaging pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya, sa kabila ng mataas na presyo ng gasolina ay sapat pa rin naman ang kanilang kinikita sa pang araw-araw na umaabot ng limang daan hanggang pitong daang piso kada araw.


Dagdag pa nito, hindi naman nakaapekto sa kanilang kita ang pagkawala ng pasok ng mga estudyante.

Gayunpaman, umaasa pa rin ang mga tsuper ng traysikel sa Lungsod na maaprubahan ang kanilang hiling na taas pasahe.

Facebook Comments