KITA NG ILANG VENDORS SA CITY HALL, TUMAAS

CAUAYAN CITY- Bahagyang tumaas ang kita ng ilang vendors sa harap ng City Hall sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of the Pilar Parish sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginoong Lito, malaking tulong sa kanilang pagdaraos ng kapistahan dahil nadagdagan ang kanilang kita ngayong buwan.

Aniya, malakas lamang ang kanilang benta tuwing anihan at buwan ng Nobyembre at Disyembre kung saan kumikita sila ng anim na libong piso kada araw.


Dagdag pa niya, malaking epekto naman sa kanilang kita ang sunud-sunod na suspension ng mga klase sa Lungsod dahil sa bagyo.

Gayunpaman, umaasa naman si Ginoong Lito na lalong lalakas pa ang kanilang bentahan sa mga susunod na araw lalo na at may magaganap na concert sa Sabado sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments