CAUAYAN CITY- Napapakamot na lamang sa ulo ang ilang jeepney drivers sa Cauayan dahil nananatiling matumal ang kanilang pasada dahil sa nararanasang pag-ulan sa lungsod.
Sa panayam ng IFM News Team kay Rudy Dela Cruz, jeepney driver mula sa San Mateo, madalas pag pagpasok ng buwan ng Disyembre ay nagsisimula nang dumami ang bilang ng mga pasahero ngunit ngayon ay napakadalang na ito dahil sa nararanasang sunud-sunod na pag-ulan.
Aniya, tinatayang nasa limang daang piso lamang ang kanyang kinikita sa maghapon kung saan kulang na kulang ito sa pangtustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Bukod naman sa nararanasang pag-ulan, apektado rin ang kanilang kita sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo at sunud-sunod na paghagupit ng bagyo sa lungsod na nag-resulta sa sunud-sunod na pagkansela sa mga pasok ng mga mag-aaral.
Gayunpaman, umaasa naman si Ginoong Rudy na makakabawi sila pag naging maayos at maaliwalas na ang panahon lalo na at nalalapit na ang kapaskuhan.