
Tiwala si Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores na tataas ang kita ng mga magsasaka ngayong taon at sa mga susunod pang taon dahil sa Executive Order No. 100 na nilagdaan ni President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Flores, binigyan ng EO 100 ng legal na basehan ang Department of Agriculture para itakda ang presyo ng bibilhing palay sa mga magsasaka sa buong bansa.
Binanggit ni Flores na dahil sa EO ay maipapako na sa 17 hanggang 23 pesos ang base price ng palay na pwedeng bilhin ng gobyerno mula sa ating mga magsasaka.
Buo ang pag-asa ni Flores na makakamit ang layunin ng EO 100 lalo’t kaakibat ng implementasyon nito ang pagbabawal sa pag-angkat ng bigas at pagpapatupad ng price cap sa imported rice.
Facebook Comments









