Bumaba ang kita ng mga tsuper sa kanilang pamamasada gaya na lamang sa Dagupan City at Mangaldan kung saan naramdaman ang laki ng pagbaba dahil sa lingguhang taas presyo ng langis kaya naman umaasa at nag-aabang ngayon ang mga namamasadang transportasyon sa ayudang ipamamahagi sa kanila para naman makatulong ng kahit kaunti lamang.
Kung sakaling mapamahagian sila ng ayuda ay maaari umano itong makabawas sa kanilang dagdag isipin lalo pa at karamihan sa mga tsuper ay mga magulang na may pinapaaral na mga anak kung saan ipambibili ng mga kagamitan ng mga ito para sa paparating na balik-eskwela.
Sa ngayon ay kasado na ang pamamahagi ng Fuel subsidy sa ilalim na Pantawid Pasada Program ng LTFRB para sa mga tsuper at mga tricycles drivers na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng langis.
Sa naturang fuel subsidy, makatatanggap ng ten thousand pesos ang mga modernized jeepney at modernized UV express, six thousand five hundred pesos naman ang matatanggap ng mga namamasada ng traditional jeepney, bus, UV express, TNVS, at taxi, one thousand two hundred pesos naman para sa mga delivery riders at one thousand pesos para sa mga namamasadang tricycle drivers.
Ayon sa LTFRB region 1, hinihintay na lamang ang pondo para rito na manggagaling sa Central Office at sinasala na roon ang mga benepisyaryong makatatanggap ng naturang fuel subsidy at saka eendorso upang malaman kung sino ang mga makapili nang sa gayon ay maging sistematiko at pamamahagi. |ifmnews
Facebook Comments