Kita ng Pilipinas sa e-commerce, pumalo sa P5 bilyon

Pumatok kahapon sa mga online shoppers ang 11-11 Big Christmas Sale ng mga online store.

Sa unang oras ng sale o pagpatak pa lamang ng hatinggabi ay pumalo agad sa tatlong milyong orders ang Lazada mula sa Pilipinas, Singapore, Vietnam, Indonesia, Malaysia at Thailand.

Ang isa pang online store na Alibaba ay kumita ng 661 billion pesos sa loob lang ng isang oras.


Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Mary Jean Pacheco – aabot sa limang bilyong piso ang sales ng buong e-commerce industry.

Pero paalala ni Pacheco sa mga mamimili online na busisiing mabuti ang mga binibiling produkto.

Sa ngayon, 10% ng mga Pilipinong gumagamit ng internet ang nag-o-online shopping o kaya at nagbabayad ng bills online.

Facebook Comments