Hindi nakaapekto ang pandemya sa kita ng mga electric cooperative sa ikalawang hati ng 2020.
Base sa datos ng National Electrification Administration (NEA), naitala ang kita ng mga electric cooperative sa P54.074 bilyon.
Ito ay 9% na paglago mula sa P49.672 bilyon noong first quarter.
Tumaas kasi ng 12% ang energy sales sa 5,988 gigawatt hours (GWh) mula sa 5,337 GWh noong January at March.
Bunga naman ito sa pagtaas ng residential sector na kumokonsumo ng elektrisidad sa nabanggit na panahon.
Humina naman ang power sales at revenues ng mga electric cooperative sa mga lugar na nakadepende sa turismo kabilang ang Aklan, Benguet, Palawan, Bohol Provinces at Siargao Island.
Facebook Comments