KITA NG STREET VENDORS SA CAUAYAN, TUMAAS

Cauayan City – Malaki ang naitulong ng sunod-sunod na graduation ceremonies sa mga street vendors sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team sa mga naglalako sa FLDY Coliseum, sinu-sulit na nila ang pagbebenta ngayong sunod-sunod ang programa ng pagtatapos ng mga mag-aaral.

Ayon kay Ginang Marites Domingo isa sa mga naglalako, dahil sa dami ng mga taong dumadalo ay madami rin ang bumibili ng kanilang mga paninda dahilan para tumaas rin ang kanilang kinikita.


Malaking tulong umano ito upang mapunan ang gastusin ng kanyang pamilya para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Gayunpaman, aminado ito na kapag natapos ang mga programa ay balik tumal nanaman kaya’t habang kasagsagan ang nagaganap na seremonya ay sinu-sulit na nila pagbebenta.

Facebook Comments