Kita sa auction ng mga luxury cars ng Discaya, titiyaking gagamitin nang tama —Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na bawat pisong makukuha sa auction ng pitong mamahaling sasakyan ng mga Discaya ay gagamitin sa tama, walang masasayang, at walang mawawala.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang tinatayang ₱110 milyon na kikitain mula sa luxury vehicles ay papasok sa forfeiture fund ng Bureau of Customs at agad na iri-remit sa Bureau of Treasury.

Hindi man tukoy kung anong programa gagamitin ang pondo, tiniyak ng Malacañang na para ito sa mga makabuluhang proyekto ng gobyerno.

Simula pa lamang aniya ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para bawiin ang pera ng bayan mula sa mga kumita sa maanomalyang flood control projects.

Giit ng Palasyo, ang auction ay patunay na seryoso ang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa korapsyon mula sa indibidwal, kumpanya, hanggang opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga iligal na transaksyon.

Facebook Comments