Patuloy ang pagsisikap at mga inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Montawal sa Maguindanao upang mapag-abutan ng ayuda ang kanilang mga kababayang apektado ng krisis hatid pa rin ng Corona Virus Disease 19.
Mayat- maya rin ang ginagawang repacking ng mga food items ng LGU workers sa pangunguna ni Mayor Datu Otto Montawal upang maisigurong lahat ng mga residente ay mabigyan ng tulong.
Nauna naring inihayag ni Mayor Montawal sa kanyang social media account , na ang lahat ng kikitain nito sa kanyang Palm Oil Plantation ay kanyang ibibili ng bigas bilang pandagdag sa mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan.
Kahapon, nakapagpaabot na rin ng tulong ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga liblib na Baranggay ng Datu Montawal.
Samantala , sa usaping Social Amelioration Program, iginiit ng Alkalde na hindi na dadaan pa sa kanyang tanggapan ang Form at ang Pundo ng nasabing programa, bagkus ipapaubaya na lamang nito sa DSWD katuwang ng DILG , PNP at Baranggay Officials para sa gagawing assessment at validation ng mga magiging beneficiaries ng programa sa kanyang bayan.
Ang bayan ng Datu Montawal ay binubuo ng mga Baranggay ng Balatungkayo ,Bulit, Bulod, Dungguan, Limbalud, Maridagao, Nabundas, Pagagawan, Talapas, Talitay, at Tunggol.
Pic: FB Account of Mayor O.M
Kita sa Palm Oil Plantation ibinili ng Bigas ng isang Mayor sa Maguindanao upang maging karagdagang tulong sa kanyang mga kababayan
Facebook Comments