Kitesurfer, patay matapos liparin ng malakas na hangin sa Italy

Patay ang isang German Kitesurfer matapos hampasin ng malakas na hangin na sinabayan pa ng matinding pag-ulan sa isla ng Stagnone Nature Reserve.

Sa ulat, nagka-kitesurfing ang 65-anyos na lalaki nang liparin siya ng malakas na hangin hanggang sa humambalos siya sa isang nakaparadang kotse.

Lumalabas na wala siyang suot na buoyancy device o helmet sa kabila ng paalala ng mga awtoridad na mandatory ito para sa mga kitesurfer.


Maliban dito, ilang vineyards at greedhouses ang sinira ng malalakas na hangin, habang binaha ang ilang palayan.

Facebook Comments