
Kinumpirma ng Korte Suprema na naghain na ng tugon ang magkakapatid na Duterte kaugnay sa komento ng Department of Justice (DOJ) sa consolidated petition para mapauwi ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa isinumiteng traverse ni dating presidential daughter Veronica Duterte, hindi nangangahulugang “moot” ang petition for habeas corpus na inihain nilang magkakapatid kahit nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC).
Sagot yan ng kampo ni Kitty nang sabihin ng DOJ sa komento na dapat ibasura na ang petisyon dahil moot na ito at walang sapat na batayan.
Tiwala pa rin ngayon ang kampo ni Duterte na mapapauwi pa sa bansa ang dating pangulo na iligal umanong ikinulong dahil wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas.
Sa panig naman ng DOJ, hindi iligal ang naging pag-aresto pero tumanggi na itong magbigay ng komento kung possible bang atasan ng SC ang gobyerno na pabalikin si Duterte sa bansa.