KKDAT AT TOKHANG RESPONDERS, LUMAHOK SA MURAL PAINTING COMPETITION NG CAGAYAN PPO

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyang isinasagawa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang 1st Provincial KKDAT Mural Painting Competition na may temang “Sining ng Kabataan Hango sa Paglaban sa Terorismo at Iligal na Droga” sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City.

Ito ay inorganisa ng CPPO sa pangunguna ni Provincial Director, PCol Renell R Sabaldica na naglalayong hubugin ang talento ng mga kabataang Cagayano sa larangan ng sining para ipahayag ang kanilang suporta, tiwala at kumpiyansa sa mga kapulisan.

Magsisilbing inspirasyon din ito sa kanilang social role para makaiwas sa krimen.

Matatapos ngayong araw, June 19, 2022 ang nasabing aktibidad o pagpipinta sa pader ng sports complex.

Bukod sa mga KKDAT at Tokhang responders ay naging guest din sa naturang aktibidad ang Cagayan Guhit Pinas Cagayan Artists upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa larangan ng sining.

Nagpapasalamat naman ang pamunuan ng Cagayan PPO kay Cagayan Governor Manuel N. Mamba dahil sa pagbibigay ng pondo at suporta para maisakatuparan ang naturang programa.

Nais naman ng Provincial Government na ang guhit sa mga pader ng sports complex ay sumasagisag sa tungkulin at kahalagahan ng bawat kabataan para sa pag-asa at kinabukasan ng Cagayan.

Facebook Comments